Ang Pambansang Awit ng Pilipinas ay nagsasalamin ng dedikasyon ng bawat Pilipino sa inang bansa habang ipinagmamalaki ang sariling katayuan bilang isang Pilipino.
Ang pambansang awit ng Pilipinas ay pinangalanan na Lupang Hinirang na kinompose ni Julian Felipe, isang music teacher at composer ng Cavite noong ika 11 ng Hunyo 1898.
Nagustuhan ni Emilio Aguinaldo ang kanta kung kaya’t noong ika 12 ng Hunyo 1898, ito ay tinugtog ng banda ng San Franscisco de Malabon para sa unang pagwagayway ng bandila ng Pilipinas para sa araw ng Kalayaan.
Lupang Hinirang
Bayang magiliw, perlas ng silanganan.
Alab ng puso, sa dibdib mo’y buhay.
Lupang hinirang, duyan ka ng magiting
Sa manlulupig, di ka pasisiil.
Sa dagat at bundok, sa simoy at
sa langit mong bughaw,
may dilag ang tula at awit
sa paglayang minamahal.
Ang kislap ng watawat mo’y
tagumpay na nagniningning.
Ang bituin at araw niya
kailan pa may di magdidilim.
Lupa ng araw, ng lualhati’t pagsinta,
buhay ay langit sa piling mo.
Aming ligaya na pag may mang-aapi,
ang mamatay ng dahil sa iyo.
Ang 1 – Regis Class SY 2012 – 2013 kasama ang mga Senior at mga Boy Scout and Girl Scout of the Philippines ay namuno sa Morning Assembly kung saan hinirang ang Bandila ng Pilipinas habang ang buong mataas na paaralan ng Xavier University ay kumunta ng Pambansang Awit.