Ang buwan ng Hulyo ay ang tinatawag na Buwan ng Pakikipagkaibigan ng Pilipinas at ng Estados Unidos.

Noong panahon ng Amerikano, ang Araw ng Kalayaan tuwing ika 4 ng Hulyo na nakikisabay sa Araw ng Kalayaan ng Estados Unidos. Ang pagdiwang ng ika-4 ng Hulyo sa Araw ng Kagitingan noong 1946 to 1964.

Sa pamamahala ni Presidented Diosdado P. Macapagal na nagpatupad ng Republic Act 4166 upang mailipat ang Araw ng Kagitingan sa ika 12 ng Hunyo.

At ng naging Presidente si Fidel V. Ramos, itinakda niya ang ika 4 ng Hulyo na ipagdiwang ang Philippine-American Friendship Day.

Sa mga unang linggo ng Hulyo, itinanghal ng SM Cagayan de Oro City ang isang maliit na lugar sa tapat ng National Bookstore ang mga larawan ng Estados Unidos at paano ang bansang ito naging malapit na kaibigan at kaakibat ng ating bansang Pilipinas.

Kailangan talagang magpasalamat ang Pilipinas sa Estados Unidos sa maraming tulong na ibinahagi ng nasabing bansa para sa ikauunlad ng ating ekonomiya at pamumuhay.

Natuto ang mga Pilipinong maging mahiig sa mga kantang Rock and Roll, maglaro ng basketball at tangkilikin ang mga pagkaing Amerikano tulad nalang ng Burger, Fries at Coke.

Halikat pakinggan natin ang magagandang kantang isinulat at inawit ni APL ng Black Eyed Peas tungkol sa Pilipinas, http://youtu.be/u3wUZw9S2PM at http://youtu.be/Evfc0dj1RgA .