Ano ka HERO?

Ang tanong na kinakailangan nating sagutin tuwing tayo’y nakakapanood ng mga pelikulang mayroong isang tagapagligtas na masasabi nating hero.

Eh ano nga ba ang HERO? Marahil marami tayong mabibigay na katangian sa dahilan na maraming katangian na masasabing salamin ng kabutihan.

Ilan sa mga katangiang ito ay pagiging Mabait, Matalino, Mapagkumbaba at May takot sa Diyos.

Marami pa talagang katangian tayong maibabanggit ngunit sa isang kultura na nagtatamasa ng isang hero, marami parin ang naghihirap sa Pilipinas. Marami pa rin kasi ang mga taong hindi pagiging HERO o Bayani ang puso’t diwa kung kaya’y kulang pa ang kanilang tulong sa mga kababayan at sa sambayanang Pilipinas.

Tuloy marami ang nagtatanong kung ang isang pagiging Hero ay kathang isip lamang.

Kawawa naman kung ganon ang ating mga Pambansang Bayani…Sina Jose P. Rizal, sina Andres Bonifacio at pati narin si Lapu-Lapu na pinarangalan sa maraming Encyclopecdia bilang nangungunang Asyano na nakapagpaalis ng mga impluwensyang banyagang sa Asya. Marami pang maibabangit na mga bayani na nagtiis upang makamtan ng Pilipinas ang natatamasang kalayaan.

Ngunit ilan ba sa atin? sa ating mga kabataan? o sa ating mismong mga napiling mamumuno sa gobyerno ang makapagpapaliwanag na lahat ng nagawa nila ay para sa mga Pilipino dahil gusto nilang ipagpatuloy ang prinsipiyo ng pagka-HERO ?

Maraming kasagutan para sa maraming katanungan…

Marahil ang unang tanong na kinakailangan nating sagutin eh…sa sarili mo, paano ka magiging HERO sa pamilya mo? sa paaralan mo?  at sa bayan mo?

PANOORIN NYO ITO: ang pag-uusap ng  mga Bayani natin…..Ano Ka Hero (click)