Tags

, ,

child

Marami sa atin ang nagtataka kung bakit hindi tayo nakakapunta sa ating paroroonan. Marahil tayo’y nalilito sa pagkat wala tayong kaalam-alam sa ating pinanggalingan. Wala man lamang tayong basihan kung ano ba dapat ang direksyon kung saan tayo pupunta?

Marami ngang mga kabataan ngayon palagi nalang nagwawaldas ng perang pinaghirapan ng kanilang mga magulang. Akala nila ang mga magulang nila ay tipong superhero na hindi napapagod, hindi nagrereklamo. Ang hindi nila alam ay ang pagod at problema na nadadanas ng kanilang mga magulang sa pagsisikap sa kanilang mga trabaho upang makaipon ng karampatang halaga ng pera para lamang makadaos sa hirap ng buhay.

Kung alam lamang ng mga kabataan na tunay na naghihirap ang kanilang mga magulang sa dahilang mahal na mahal sila ng  kanilang mga magulang, siguro mag-iiba ang pagtingin at paguugali ng mga kabataan sa walang ka kwenta kwentang pagwawaldas ng pera at pagbabastos sa kanilang mga magulang.

Ang kailangan malaman ng mga kabataan ang pagpapahalaga ng pagkakaroon ng utang na loob. Ikanga ‘sense of gratitude’ isang pasasalamat sa pag-aarugang ipinamahagi ng mga magulang para sa ikabubuti ng isang kinabukasan.

Ito marahil ang dahilan kung bakit mahalaga ang pag-aralan ang kasaysayan at ang mga elemento upang maisakatuparan ang pagpapahalaga at pagkakaisa ng mga Pilipino.

Ikaw, alam mo ba ang kasaysayan mo?